My "in-like" life right over there. ^
Mag-Tatagalog nga muna ako. Para marami akong masabi.
Lagi na lang kami nagtatalo. Kahapon, ang sweet sweet lang. Pero biglang magshishift. Kainis lang. Oo, parang tinutulak ko sha ng palayo. Like, can you give me reasons why I should tell him to stay? I'm caught in between loving him & hating him, yknow. For the third chance, sabi niya pagkatiwalaan ko daw sha. Eh ako nga ata 'yung dahilan kung ba't kami nagbreak ng ex niya eh. Believe me, I made a new friend. And guess who? His ex. Sobrang bait niya at sobrang nakakaguilty.
Tignan mo ha, kung nakipagbreak sha dahil sa isang babae, edi maaa niya pang gawin ulit 'yun sa'kin. Diba?
Pag-uusap pa kanina:
"Question, sa tingin mo, rebound ka nanaman?"
"Oo. Lagi naman, 'di ba?"
"Tapos, kapag may nakita akong better, iiwan kita? Ganun ba sa tingin mo?"
"Oo. Tapos tangina, ang sakit nanaman nun!"
"Pft. Magkaiba opinyon natin."
Lahat naman na ng sama ng loob ko sakaniya sinasabi ko. Hindi na nga ako natatakot, eh. Kasi dati, kapag may problema, kinikimkim ko. Oh, edi ngayon sasabihin ko sakaniya lahat. Pinipilit ko nga sha na balikan 'yung ex niya, (medyo nasasaktan ako, pero I can still manage living without him kung um-approve sha sa desisyon ko), pero he made his decision na daw. Na it's me. Ako na this time.
See, ang hirap magtiwala di'ba? Imbis na kinakalimutan ko sha, eto ko, lalo pang napapalapit sakaniya. Hindi ko na nga naiintindi lahat ng nasasabi ng kaibigan ko sa'kin. Kesho, "sawi lang 'yun!", "Rebound girl ka nanaman!", "Wala lang yan mahanap na lalandiin!" Binalewala ko lahat yun, kasi parang nararamdaman ko, you're still worth it. Iunno, worth it nga ba? Tangina, ang tanga ko. At magpapakatanga nanaman siguro ako. Atsaka, kaya ko bang paniwalaan lahat ng mga text mo? Di'ba nga sabi ko sa'yo, madami tayong oras para maregain 'yung trust. Tsaka, titignan ko na lang ulit sa pasukan. 'Wag mo din kwestyunin kung sobrang crappy ng moods ko at paiba-iba, kasi ikaw lang din dahilan nun. Can't you understand that if a girl's cold to you, she's either jealous, hurt, or there's definitely something wrong that you did. Hihi. Wow naman kasi! Ang dami mong girl e, bigyan mo naman ako ng isa. Para hindi lang ikaw palagi 'yung mamahalin ko.
"Ganiyan ka naman e. Aalis, babalik. Alis, balik. Alis, balik. Ganiyan ang gusto ko. Mahilig sa gulo, mahilig sa'yo!"

No comments:
Post a Comment