Sunday, June 20, 2010

Of Celebrities and Illuminati's....

Bakit ganun? Parang ngayon lang sila nagbibigay ng fuss about it or months ago na din. Lalo naging trending nung pinalabas 'yung Alejandro MV ni Lady Gaga. So yeah, she's rumored to be an Illuminati. Napakinggan niyo na din ba 'yung reversed Paparazzi chorus? Malamang sa una nakakatakot. Dahil nga Illuminati -- satanic cult. May stars above at Lucifer pa ngang nabanggit.

Eh ano naman kung hindi sha naniniwala kay God? 'Yun pananaw niya e. Buhay niya 'yun. Chooooos. Pero, natatakot lang naman ako kasi alam naman nating lahat na never ending ang away sa simbahan at science. Oh, baka may problema nanamang lumabas 'pag nagbalik sa kinalulunggaan ang Illuminati. Matagal na din ata silang nananihimik.

Sabi nila ha, sa Angels and Demons kasi nabasa ko, Si Leonardo da Vinci, Raphael, Illuminati din 'yung mga 'yun ah. Kung 'yung mga symbolism pinapahalagahan niyo, madaming nagkakalat diyan tabi-tabi. Tulad sa one dollar, andun 'yung Eye of Illumination, sa mga MV ni Lady Gaga, nagkalat. Paminsan, cool din pinaggagawa ng Illuminati. Puro violence, gusto ko nun e. Ba't ba. Joke lang.

Basta ayun, fidelity lang naman mahalaga para sakin. Kung ano pinaniniwalaan ko, stick ako dun. Pero shempre, respeto na rin sa iba. Kasi hindi  naman lahat tayo pare-parehas ng pananaw.

Si Charice nga din daw Illuminati. Over over? Sige na, lahat na!

Pyraaaaaaaaaaaaaaaamid...

No comments:

Post a Comment